Talumpati : Kahirapan

TALUMPATI : KAHIRAPAN
Ang Kahirapan ang isa sa mga mabigat na problema sa ating bansa. Halos lahat ng mahihirap lagi nalang nilang sinisisi ang mga gobyerno dahil daw sa di sila nakapagaral at hindi sila makahanap ng trabaho at kung ano ano pa. Pero sila ba talaga ang may kasalanan o yung mga taong tamad? Tama ba na sinisisi natin ang ibang tao dahil sa ating kahirapan? Dapat tayo mismo ang gumagawa ng paraan para umangat tayo sa buhay. Kung palagi nalang tayo aasa sa ibang tao wala tayong mararating sa buhay.

Ang naisip ko may tanging paraan para umangat tayo sa buhay at solusyon sa kahirapan ng ating bansa ay ang pagiging matiyaga dahil may kasabihan nga tayo “kung walang tiyaga, walang nilaga.” Kailangan natin maging matiyaga dahil yun lamang ang paraan para tayo ay umangat sa buhay, hindi yung puro angal nalang, puro salita pero di ka naman gumagawa ng paraan para umangat sa buhay. Kung ano ang kaya mong gawin sa buhay mo gawin mo hindi mmo naman ginagawa yan para sa ibang tao ginagawa mo yan para sayo. Kailangan mong magtiyaga sa bagay na gusto mo para magkaroon ka ng maginhawang pamumuhay sa bansa sa parang walang problema.


Magtiyaga para may marating sa buhay at kung magtitiyaga ka dapat taos puso mo itong gawin para pwede kang maging inspirasyon sa ibang tao na may karanasan din sa pagiging mahirap. Magtiwala lang tayo sa ating sarili na malalagpasan din natin ang mga karanasan na ito kung tayo magtitiyaga at hindi tayo umaangal. Isipin natin na hindi lang tayo ang may ganitong problema sa ating bansa, kaya magtiyaga, magtiwala at may mararating tayo sa buhay ng walang kasamang paggiging negatibong pagiisip. Tiyaga ang magiging daan natin para malagpasan nating ang mga problema sa kahirapan at hindi dapat tayo umaasa sa ibang tao.

Mga Komento

  1. kapulutan po ng aral.. Ipaalam ko lang po sana, kung maaaring gamitin ko itong talumpati bilang halimbawa sa ginagawa kong aklat. maraming salamat po n God bless

    TumugonBurahin
  2. Ipapaalam ko po sana na gagamitin ko po ang iyobg talumpati para sa talumpati namin po.... Maraming salamat

    TumugonBurahin
  3. Kay gandang talumpati. Isang malaking aral na mapupulutan ng marami. Ipagpaumanhin ngunit nababakasakali akong hiramin itong talumpati para sana sa aming takdang aralin. Ipapa oral kami ng aming guro. Nalalapit na ang oras na ito'y aming gagawin, ngunit ako'y wala pa ring maisip na susulatin. Sana'y akoy ringgin at bigyan ng pahintulot. Maraming salamat.

    TumugonBurahin
  4. Ipapaalam ko po sana na pwede po bang gamitin ko po ang iyong talumpati para sa talumpati namin po. Sana po ay ringgin at bigyan ng pahintulot po. Maraming salamat po. Godbless po

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento